Single Blog

BAKIT BA MAY MGA TAONG LUBOG SA UTANG?

Bili dito, bili doon…

Swipe dito, swipe doon..

 

Ang sarap nga naman gumastos!

Lalo na ngayon na ang dali lang  mag-shopping online.

Aminin natin, masarap talaga mag-give in at pagbigyan ang mga sarili natin na bilhin ang mga bagay na mag-papaligaya at gusto natin.

 

Pero kung ito ay napasobra, ano ang nagiging ending?

Nang-iimbita rin tayo ng sakit ng ulo at stress.

Nasa huli na lang ang panghihinayang kapag wala nang pambayad.

 

Ano ba talaga ang problema at umaabot tayo sa ganoong sitwasyon?

 

BOTTOMLINE: LACK OF SELF-CONTROL

 

“Paano ko ba aawatin ang sarili ko pagdating sa pag-gastos?”

 

Ito ang ilan sa mga practical tips na maipapayo ko:

 

THINK BEFORE YOU SPEND

Bago pa man kunin ang wallet, tanungin na ang sarili …

 

“Kailangan ko ba talaga ito?”

“Ikamamatay ko ba kapag hindi ko ito nabili ngayon?”

“May budget ba ako para dito?”

“Ngayon ko na ba talaga dapat bilhin ito?”

 

Yes, ganyan dapat ang proseso bago tayo mag-decide gumastos. At kung halos puro ‘NO’ ang sagot, alam mo na ang dapat gawin.

 

TAKE A STROLL

Kung may nakita tayong isang bagay na grabe ang hatak sa  atin, subukan muna nating maglakad- lakad.  Taking a stroll is a good strategy para  palipasin ang strong desire natin to spend on a whim. Kapag nakapag-muni muni ka na, you will surely realize na you are just being impulsive.

 

HUWAG MAG-WINDOW SHOPPING NANG GUTOM

Nasubukan mo na bang mag-grocery na walang laman ang tiyan? Tipong hindi ka nakapag-almusal or snack?

Napansin mo bang mas marami kang nabibili kapag namimili ka nang gutom?

Subukan mong kumain muna before you shop or window-shop. Ma-re-realize m na  notice na mas controlled ang spending mo.

 

MAKE A BUDGET PLAN AND STICK TO IT

Most of the time, nawawalan ng self-control pagdating sa spending dahil wala tayong budget plan. I’m sure when we have a plan to follow, mababawasan o matitigil ang ating unnecessary spending.

“The problem with money is NOT THE LACK OF INCOME but the LACK OF SELF-CONTROL”

-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY

  • Do you have self-control when it comes to spending?
  • Do you think  before you  spend?
  • What do you think is your weakness?

 

Comments (4)

Post a Comment

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link